Wednesday, February 25, 2009

"Bumababa ang kita ng mga nagnenegosyo sa paligid ng Unibersidad ng Santo Tomas tuwing Tag-init”

Panimula


Ang paksa ng pagsisiyasat na ito ay nakasentro sa mga negosyo sa paligid na Unibersidad ng Santo Tomas (UST) at kung paano ito naapektuhan tuwing tag-init.
Marami nang mga nakasulat na artikulo at mga pananaliksik ukol sa mga kita ng negosyo tuwing tag-init. Ngunit kadalasan sa mga ito ay tumatalakay lamang sa mga nagiging sanhi o dahilan nito. At kadalasan sa mga naunang nailathalang sulating papel ay hindi binibigyan ng pagkakakilanlan ang mga negosyante.


Ang pagbaba ng kita ng nagnenegosyo, ay ang pinakaimportante sa bahagi ng pananaliksik
Walang katulad ang pag-aaral na ito dahil ang mga manaliksik ay labis na nagsikap upang patunayan ang mga bagay-bagay sa larangan ng pagnenegosyo, pati na rin sa pamamagitan ng mga aklat partikular ang mga libro ng NEGOSYONG ATIN at NEGO SIKAT.





Layunin at kahalagahan


Maraming paraan upang masuri ang pagiging eksperto sa pagnenegosyo isa na rito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng problema. At paano makakatulong at makapagpapaunlad ang stratehiya ng mga nagnenegosyo sa ating bansa.


Ang mga mananaliksik ay sinadyang maging paksa ang mga nagnenegosyo sa paligid ng UST sa kadahilanang nadarama ng mga mananaliksik ay magsisilbing sukatan sa mga pagwawasto sa mga nagnenegosyo tungo sa matagumpay na pagpapatakbo ng mga negosyo.Mas magiging interesado ang mga gustong magnegosyo at gayun din ay maihahanda ang mga kinakailngang kagamitan sa pagnenegosyo. Ang pag-aaral na ito ay malaki ang maitutulong sa mga namamahala ng isang negosyo. Makaktulong ito sa pag-paplano at gayon din sa pag-sasagawa sa mga pag-uumpisa sa ganitong hanap buhay. Ito din ay maaaring maging isang dahilan upang umunlad ang ating bansa.


Ang layunin ng mga mananaliksik ay upang maipaalam sa mga mambabasa na hindi epektibo ang pag-lalagay ng pagkakakitaan sa harap o gilid ng isang paaralan lalo na at tag-init. Layunin din ng mga mananaliksik na malaman kung ano-ano pa ang ibang paraang pwedeng gamitin upang mas dumami ang kita ng mga tindahan o ng mga nagnenegosyo sa paligid ng UST tuwing tag-init.



Konseptwal



PAGTASA/ PAGKAKATASA



MAS MAHIRAP MAGBENTA TUWING TAG-INIT



BUMABABA ANG KITA NG MGA NAGTITINDA





Ang mga Mananaliksik ng nangalap ng mga datos sa pamamagitan ng pag-iinterbyu. At doon nalaman ng mga Mananaliksik na mahirap magbenta ng produkto sa paligid ng Unibersidad tuwing tag-init, na napatunayan sa bandang huli ng Pananaliksik.




Metodolohiya

Ang pananaliksik na ito ay naisagawa sa pamamagitan ng interbyu sa mga nagtitinda sa paligid ng Unibersidad na pawang walang sariling puwesto sa pagtitinda, kaya’t hindi naglagay ang mga mananaliksik ng kriterya sa pag-iinterbyu.


Ang mga tanong na kasama sa pag-iiterbyu ay ang mga sumusunod:


• Papaano nakakaapekto ang tag-init sa kanilang pagnenegosyo?
• Magkano ang kanilang kinikita sa(araw-araw)?
• Ano ang mga alternatibong Gawain tuwing tag-init, upang lumaki ang kita?


Sa pag-aaral ng mga mananaliksik, kinakailangan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:


*Materyales na pang sarbey tulad ng mga tanong, papel, ball pen, tape recorder o camera para sa interbyu.


*Sa pananalapi naman ay maglalaan ng pera ang mga mananaliksik.


Saklaw / Delimitasyon


Ang pag-aaral na ito ay tanging sentro sa kasalukuyang sitwasyon sa mga magnenegosyo sa gilid ng unibersidad at ang epekto sa kanilang pamumuhay tuwing tag-init. Isa pa ay kung ano ang mga stratehiya na ginagawa ng mga tindero o tindera upang kumita lamang ng pera sa malinis na paraan. Ito rin ay may kinalaman sa kanilang kinikita, kung ito ba ay sapat na o tama lang sa kani-kanilang pamilya.


Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa mga sanhi at bunga ng mga lugar na nakapalibot sa Unibersidad ng Santo Tomas na dumaranas ng kahirapan at kung paano ito nakakaapekto sa ating ekonomiya. At kung ano-ano ang mga pagsubok na nararanasan ng tindero at tindera sa pagtitinda, at kung paano nalalampasan ito ng mga nagtitinda.


Ang pagsasaliksik na ito ay sesentro lamang sa paligid ng UST. Sesentro lang din ang mga mananaliksik sa kung saan mas kumikita ang mga tindero at tindera, tuwing tag-init, o kung tuwing may pasok, upang mapatunayan ng mga mananaliksik na mas kaunti ang kita ng mga tindero at tindera tuwing tag-init.





Daloy ng katawan


Ipinapakilala ng mga mananaliksi sa panimula ang paksa na mas kaunti ang kita ng mga tindahan sa paligid ng UST tuwing tag-araw. Ipinipaliwanag ng mga mananaliksik kung ano ang mga problema na nakuha ng mga mananaliksik at bakit nila ito napiling paksa. Ipinaparating din ng mga mananaliksik kung magangda o tama ba ang magtinda sa paligid ng UST o hindi.


Sa layunin naman ng mga mananaliksik, sinasabi dito na layunin ng mga mananaliksik na maipaalam sa mga mambabasa na hindi magandang maglagay ng tindahan sa paligid ng UST tuwing ta-init. Layunin din ng mga mananaliksik na makatulong sa mga nag paplano palang at mag sisimula palang na meanenegosyo.


Ipinapakita ng mga mananaliksik sa kanilang konseptuwal kung paano ginawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay nag sarbey at nag interbyu upang makakuha ng mga datos at upang mapatunayan na tama ang paksa ng mga mananaliksik. Sa pag gawa ng sarbey at interbyu ay nalaman ng mananaliksik na mas mahirap kumita tuwing tag-init. Dahil naman sa nakuha nilang impormasyon, ay napatunayan ng mga mananaliksik na tama ang paksa nila na mas kaunti ang kita tuwign tag-init.


Para sa metodolohiya ng mga mananaliksik, ipinapakita nila ditto ang mga tanong na itinanong ng mga mananaliksik sa mga nag titinda sa paligid ng UST. Ipinakita din ng mga mananliksik ang mga materyales na kanilang dinamit upang makadagdag tulong sa pag-aaral ng mga mananaliksik.


Ang buod naman sa bahagi ng saklaw at delimitasyon ay ang saklaw lamang ng pag-aaral ay kung mas kaunti nga ba ang kita ng mga tindahan tuwing tag-init. Nakapaloob din ditto na ang pag-aaral ay sa paligid lamang ng UST. Ang mga i-intrbyuhin ng mga mananliksik ay yoon lamang walang permanenteng lugar upang mag tinda.


Ang buod para sa mga stratehiya ay, nakita ng mga mananaliksik na ang mga stratehiya ng mga nagtitinda ay talagang nakakatulong para lumakas ang kita ng mga nagtitinda. Halimbawa nalang ditto ay ang pag palit-palit ng tinda. Isa pa ay ang pag-iikot upang marami ang makakita sa tinda at ng sa gayon ay mas marami ang bumili. Ipinapakita ng mga mananaliksik ang mga stratehiya ito, upang malaman ng mga mambabasa na marami ang pwedeng gawin upang kumita.


Para sa pagpapatunay, napatunayan ng maga mananaliksik na mas kaunti ang kita ng mag tindahan sa paligid ng UST tuwing tag-init.
Para sa pag suri ng mga datos, koklusyon at rekomendasyon, ay nagbigay ang mga mananaliksik ng halimbawa upang magkaroon ng ispirasyon ang mga magtatayo palamang ng negosyo. Ang koklusyon na nalaman ng mga mananaliksikay kaunti lang ang pumapasok sa loob ng unibersidad kay walang masyadong bumibili sa tindahan. At nirerekumenda ng mga mananliksik na isipin ang bawat bagay na nakpaloob sa negosyo upang huwag magkaroon ng problema sa kita.




I. Paghahanap-buhay


ANG MGA ESTRATEHIYA



Isa sa mga maituturing na mahalaga ay ang partisipasyon ng mga estudyante ng UST sa mga naghahanapbuhay na nakapalibot dito. Ginagamit ng mga nagnenegosyo ang kanilang kagalingan sa pakikitungo sa kanilang mga mamimili upang palakasin ang kanilang kita.

Isa sa mga nagnenegosyong ito si Mang Jovi Penida na nagtitinda ng mangga ,halos dalawang taon na siya sa larangan ng pagnenegosyo, gumagamit siya ng iba’t ibang paraan upang mabenta ang kanyang paninda. Una, ay binabalatan na ang mga ito upang makita ng mga mamimili ang laman nito. Pangalawa ay tinutumpok niya ang mga ito upang hindi mabulok at kung minsan ay dinadagdagan niya para mas magmukang marami.

Samakatuwid ang mga manunulat ay naglalabas ng masidhing damdamin sa mga simpleng bagay na dapat nating bigyang pansin. Litaw na litaw ang mga hinaing ukol sa nasabing paksa.



Ang paglakas ng negosyo tuwing may pasok ay sinasamantala ng mga negosyante upang mapaghandaan ang panahon ng tag-init ,unti-unting nagtatabi ng pera kada araw, nang sa gayon ay makakaipon ng panibagong puhunan para sa bagong negosyo. Ang mga bagay naman na iyan ay nakatala sa “Nego Sikat”, nakapaloob doon ang mga problemang di pa naman dumarating ay alam mong malalampasan mo na . May ipinahayag din doon na “ kung kayang gawin ngayon huwag ng ipagpabukas”, na ang ibig sabihin ay di kailangang magsayang ng oras at huwag ng hintaying dumatng ang problema bago kumilos.


Ang pagpapatunay


Ang presentasyon ng lahat ng datos na nakuha ng mga mananaliksik ay sapat upang mapatunayan na tama ang kanilang paksa, na mas kaunti ang kita ng mga tindero at tindera ng Siomai, Calamares, Mani, Mangga, Mais, Candy, at Chicken skin sa paligid ng UST ang Dapitan Forbes, Espana at P. Noval tuwing walang pasok o bakasyon.



Malaki ang diperensya ng kita ng mga tindero at tindera sa paligid ng UST kapag may pasok. Ang iba’y halos kalahati ang nawawala sa kita. Ang iba naman ay sobra pa sa kalahati ang nawawala sa kita, at ang iba ay kalahati lang ang nawawala sa kita tuwing bakasyon.



Pagsusuri sa mga datos


Ang mga negosyante ay mas dumarami at mas nagagamit ang kanilang mga abilidad sa pagtatayo ng kanilang mga negosyo, at sila rin ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan sa panahon ngayon. Ang tindahan ni Mang tuts na di mapapantayan ang sarap at linamnam ng mga pagkain, halos lahat ng mga estudyante sa unibersidad ay pamilyar sa kainang ito. Ang mga gamit sa pagkain ay makikitang maayos at hinahanda ito ng presentable at kaaya-aya sa mga mamimili lalo na sa mga estudyante. Mahusay ding makisama ang mga tauhan ang nasabing kainan. Bukod sa mga nabanggit na katangian ng kainan, ito ay nagsisilbi ding insperasyon sa mga taong may kakayahang magluto. Ito ay nagdadagdag ng kaalaman sa kanila upang magkaroon ng bagong ideya tungkol sa pagluluto. Upang mas tangkilikin ito ng mamamayan lalo na ng mga estudyante.


Konklusyon

Napag alaman ng mga mananaliksik na kaunti lamang ang kinikita ng mga tindahan sa paligid ng Unibersidad ng santo Tomas tuwing sasapit
ang tag-init sapagkat kakaunti na lamang ang estudyanteng pumapasok.


Rekumendasyon

Ang mga mananaliksik ay nirerekumenda ang mGA susunod pang magsasaliksik na mas tuhunan ng pansin ang epekto ng ekonomiya sa kita ng mga negosyo, at kung paano ito mareresulbahan o magagawan ng solusyon.

7 comments:

  1. hulog ka ng langit.. maraming salamat sa iyong suring pananaliksik.. :)

    ReplyDelete
  2. Salamat sa karagdagang kaalaman,madame akong natotonan sa sinulat mo Sakit.info

    ReplyDelete
  3. LuckyClub Casino site review
    Lucky Club Casino is licensed and licensed in Malta and is now open in Malta. Our site luckyclub is currently accepting transactions on both 💰 Welcome Offer: 100% Deposit Bonus💰 Welcome Bonus: 100% up to ₹1,000💰 Games: 550+🤵 Live Chat: 788casino Rating: 5 · ‎Review by LuckyClub.live

    ReplyDelete